KRIZZA NERI KAPUSO CORNER NEWS GMA NETWORK MARIAN RIVERA

Calendar

July 2009
SunMonTueWedThuFriSat
 << < > >>
   1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031 

Announce

Who's Online?

Member: 0
Visitor: 1

rss Syndication

Archives

 

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Thank you to PEP.ph and to GMA NETWORK for soem of the Articles and Pictures.

-Krizza
11 Jan 2009 

A NEW YEAR TO STAR AGAIN..

KAPUSO ! I am very sorry if I wasn't able to UPDATE with you. :c
I have many things to do that is why I forgot to share stories. :c
LAST YEAR, many things happened. DEATH, MARRAIGE, and GIVING BIRTH.
NOW, I am going to start again. c:
Admin · 44 views · 0 comments
07 Jun 2008 

It's Hard to Admit

Rudy Fernandez, the Husband of Lorna Tolentino Just died this Morning;6:15 am;June 7, 2008. He had a cancer. And it's hard to admit that he's already gone. Rudy Fernandez is in the age of 55. He's still young!

Some of his other memorable films are Makahiya at Talahib, Bilangguan Walang Rehas, Teteng Salonga ng Tondo, Tatak Angustia, Sa Init ng Apoy, Pepeng Shotgun, Ulo ng Gapo, Get My Son Dead Or Alive, Sumuko Ka na Ronquillo, Kunin Mo ang Ulo Ni Magtanggol, Idol, Somewhere, Pasukuin Si Waway, Anak ng Tondo, Bilang Na ang Oras Mo, Baun Gang.

 

Tatak Munti, Tatak ng Yakuza, Lumuhod Ka Sa Lupa!, Vigilante, Victor Corpuz, Tubusin ng Dugo, Ipaglalaban Ko, Sandakot na Bala, Ayaw Matulog ng Gabi, Bingbong The Vincent Crisologo Story, Kamay ni Kain, Markang Bungo: The Bobby Ortega Story, Kung Kailangan Mo Ako, LAGALAG: The Eddie Fernandez Story, Matimbang Pa Sa Dugo, Markang Bungo 2: Iligpit Si Bobby Ortega, Kuratong Baleleng, Itataya Ko Ang Buhay mo, Wag na Wag Kang Lalayo, Birador, Ping Lacson Story.

 

His last film was Hula Mo Huli Ko with Rufa Mae Quinto in 2002.

 

He made his last acting appearance on GMA-7's Atlantika in 2006.

 

Rudy won two FAMAS Best Actor awards for the action films Batuigas...Pasukuin si Waway in 1984 and Victor Corpuz in 1988.

 

He is this year's recipient of 2008 Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at the 24th Star Awards for Movies given by the Philippine Movie Press Club (PMPC).


He also received the Film Academy of the Philippines' FPJ Lifetime Achievement Award.


Rudy has three children; actor Mark Anthony Fernandez, with former partner Alma Moreno; and Renz and Ralph with wife Lorna Tolentino.


In 2001, he ran for Quezon City under former President Joseph Estrada's Puwersa ng Masa but lost to Sonny Belmonte Jr.

 

Rudy's remains will be brought to The Heritage Park in Taguig City, and the interment will be on Thursday, June 12.


Kung nasan man siya ngayun, sana ay masaya siya. Sana! GOD BLESS US!!

Admin · 78 views · 0 comments
29 May 2008 

Congratulations to the Newly Wed!

Tears flowed at Inah Revilla-Vince del Rosario wedding

Ang galing. Congratulations to Vince del Rosario and Inah Revilla! I know they're kapuso! And BEST WISHES!
Ang magandang part sa kasalang Inah-Vince del Rosario, ay nung pag sabi nila ng "I Do". Kahit bata pa sila, they proved na, even if at their ages, they can be together no matter what happens. Oh diba? Ang taray!

Si Vince del Rosario ay 23 years old at itong si Inah Revilla, I mean, Inah del Rosario, ay 18 years old. Naging emotional ang wedding na ito. And for sure, it's a memorable wedding for the Revilla's and del Rosario's Family.

For more information:

Visit this: CLICK
Admin · 69 views · 0 comments
25 May 2008 

Marian Rivera, BINASTOS!

First, hindi nag taray si Ate Marian. At yun ang totoo. Kung binastos kayo nang ganun? Ano ang magiging reaksyon mo? O diba? Hindi dapat natin jina-judge ang isang tao kapag hindi pa natin alam ang buong katotohanan. EDITED video lang ang nakita niyo sa youtube (sa mga taong nanonood). Si ate Marian lang ang pinakita dun. Sa pahayag ni ate Marian sa Startalk, sinabihan niya lang ang Estranghero na, "uuy. si kuya nag bi-video, bawala po yan.." Pero, sa magandang paraan. Aba, sinabihan nga nman siya ng, "bakit?! ikaw ba binivideohan ko?! Pakialam mo?!" Mga kapuso, yung taping na yun ay hindi ipinapalabas sa Dyesebel sa Telebabad, CONCERN lang po si ate Marian. BAWAL po talaga ang mag video sa isang shoot kapag ito ay hindi pa ipinapalabas. Pero, kung may authority ka or staff sa Dyesebel, baka pwede. AVID FAN DAW siya ni Ate Marian, pero ano sa tingin niyo, avid fan mo ba ang isang tao na mismong sinabihan ka ng pabalang?! I don't think so! Kung alam mo ang buong istorya, aba'y hindi yun kasalanan ni Ate Marian. BABAE siya. Kaya, natural lang sa kanya yung ganun! Okay?!

Ito ang pahayag niya na nakuha ko sa PEP.ph

"Ganito yun," simula niya. "Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.' Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?' Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.

"Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. Caviteña ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!" lahad ni Marian.

Oh? Mga, naninira, Caviteña si ate Marian, palaban siya okay?! Kayo, yan lang ba ang kaya niyo? Ano kaya kung, mag showdown kayo, kaya niyo?

At sabi pa nila, sinigawan daw ni ate Marian ang New P.A. niya?! Duh?! May pahayag kaya si ate Marian tungkol dito, akala niyo aatrasan ka niya?

Aniya, "Alam n'yo, malakas talaga akong magsalita at hindi na bago sa staff yun. Wala akong sinisigawang PA, dahil that day na nagte-taping kami sa Subic, wala akong PA, nag-resign siya dahil buntis. Bago ang PA ko ngayon, two days pa lang sa akin at medyo may edad na ang kinuha ko para hindi magbuntis."

Oh diba?! Yan ba ang sa tingin niyong sinisigawan niya ang New P.A. niya? Well, well, well, kaya niyo yan nasabi kasi inggit kayo!

At sa mga taong nag sasabi na nakita nila si ate Marian sa video na sinampal ng sinampal niya ang lalaki, SIGE NGA?! Ipakita niyo ang video? Nasaan na?! Bakit edited yan?! Sus! Kayo talaga, Liars Go To Hell!! Wala kayo sa Book of Life!!!
Tama ba ako? Sinisiraan niyo si ate Marian kasi Desperada kayo! Bleeh!

Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?

"Bahala na sila," sabi niya. "Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko... Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay."


Kita niyo na?! Bahala daw kayo! Wala kayong mapapala sa paninira niyo!

Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.

"The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?" tanong ni Marian sa PEP.


Hindi ate Marian. Hindi ka mali. Babae tayo, kaya natural lang saatin yun! Oh see? Bumalik ang lalaki kinabukasan! Sus! Set-up to!! You see.
Basahin niyo ito:

May isang babae/lalaki na nanonood ng TV Patrol sa ACB-BSN. Pahayag sa News Affair, KUMALAT NA DAW sa Internet ang video na nakunan ng isang lalaki sa taping ng Dyesebel sa Subic at pinadala lang sa kanila ang video na yun.
So, tinignan ng babae/lalaki ang video na yun sa youtube, pero, after niyang mag search, isa palang ang video na ganoon!
Tapos, yung nag upload sa video na yun ay Registered 7 Hours Ago! At yung video naman ay uploaded 3 hours ago.
Masasabi ba naman nilang KUMALAT na sa Internet ang video na isa pa lang ang nasa youtube?! Kaduda duda!!!
At isa pa! Wala pang article nito! Gosh naman!

Tapos yung video pa, edited na!!! Si ate Marian lang ang pinakita sa video na alam nating mga Kapuso na hindi gaganyan si ate Marian kung wala ginawa sa kanya na makaka sira ng mood niya or makasakit sa kanya!
Sa mga taong mahilig mag-isip, sige nga, pag-isipan niyo, kung bakit ang dali naman na air sa News Affair sa kabila ang Tsismis na to ah?!

Ako, KAPUSO ako, kaya kung maninira kayo sa Kapuso stars, Siguradong mabubuking din ang HIDDEN AGENDA niya diyan! Kung may Questions pa kayo, Comment lang kayo okay?!



Admin · 74 views · 0 comments
20 May 2008 

Kris Bernal

Wee! KRISPER ako! Tapos na birthday celebration ni ate Kris. GOD BLESS ATE KRIS!!

WE LOVE YOU!!

Admin · 77 views · 0 comments
19 May 2008 

Dyesebel Press Conference







There are more!!! hehehe. Maybe tomorrow. Thank you!
Admin · 65 views · 0 comments
19 May 2008 

9th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Heart Evangelista: 'Time to find somebody I deserve'

05/18/2008 | 05:01 PM



Last week was full of reports about the shocking breakup of Heart Evangelista and Jericho Rosales. While on the set of Codename: Asero in Dubai, StarTalk was able to interview Heart to clear up a couple of things related to their breakup after three years of relationship.

"I was upset. Medyo na-upset ako," admitted Heart. "Sinabi ko dati na ayoko sana mag-elaborate, ayoko sana magsalita. Para sa akin, okay na ang 'no comment' ako. Sobrang naging open kami about our relationship dati kaya... Ano ngayon, nagsasalita siya [Jericho] at ang dami-dami niyang sinabi, so medyo na-shock ako. Nagsalita na ako sa Showbiz Central at nalinaw na ang lahat kaya panatag na ang loob ko."

Heart also denied reports about her parent's alleged involvement in the split:

"Ang pamilya ko, simula noong nakita nila na tatlong taon kong ipinaglaban si Jericho, at talagang wala silang sinabi ni isang salita na, ‘Mas mabuti pa ganito, mas mabuti pa ganyan.' Wala silang sinabi. Kumbaga, hinayaan na nila yun. Alam nila na wala na silang magagawa doon for sure, decision ko na yun. So hindi totoo ‘yan. Malinaw na malinaw na tatlong taon ko siyang ipinaglaban, tatlong taon kong tiniis ang career ko, ang pamilya ko."

THIRD PARTY. On the details about the breakup, she confirmed that a third party was indeed the cause of the breakup.

"The third party, it's true," said Heart. "Pumunta si Jericho doon sa bahay ng Malaysian girl. Aside from nakita ko si Jericho...nakita ko din ang pagbabago niya. Bago ko pa narinig ang mga taong nagsalita tungkol doon, nakita ko na na malaki ang ipinagbago niya at nag-aaway na kami dahil parang hindi ko na siya mapigilan."

The Malaysian girl Heart was referring to is Carmen Soo, Jericho's leading lady in soap opera being shot in Malaysia.

Since Carmen is from Malaysia, is it true that Heart went to Malaysia to confront the girl?

"No," she answered. "That is not true. Never ako nag-book ng flight papuntang Malaysia. Kasi yun ang narinig ko, e. Pumunta daw ako ng Malaysia para awayin si Echo at nadelay daw ag taping nila. That is not true."

The other girl being mentioned as the cause of the breakup is Hollywood actress Briana Evigan, whom Jericho worked with in an international movie titled I Luv U Virus.

THE BREAKUP. Heart also made it clear that her breakup with Jericho wasn't through text or email.

"Hindi ko siya tinext. Tinawagan ko siya. At siyempre, nag-text back siya. Pero nung tinawagan ko siya, sinabi ko sa kanya na it's over, tapos na, and I'm moving on," she related.

What did she feel upon seeing Jericho cry on TV while talking about their breakup?

Heart said, after a long pause, "Ewan ko, wala akong masasabi doon. Basta alam ko na hindi siya ganoon ‘pag kausap ko siya. Iba. 'Tsaka alam ko na yung totoo at ang importante ay I'm moving on with my life. Masaya na ako ngayon at para akong nabunutan ng tinik."

Heart admitted that after watching Jericho's emotional interview on TV, he still tried to fix things with her.

"Tine-text niya ako if we can work it out, na marami daw siyang pagkakamali pero we'll work it out daw, ganyan. Pero para sa akin, kahit sigawan pa niya ako, kahit nag-aaway kami... Pero lahat na bilang isang girlfriend na mahal na mahal siya, e, gawin mo na lahat basta huwag lang ibang babae.

"Noong nangyari yun, tapos na. I feel na I've done so much. Marami na akong na-give up sa buhay ko, pati pamilya ko nadamay pa sa katigasan ng ulo ko. It's time for me to move on. It's time for me to find somebody I deserve naman," Heart firmly said.

MOM'S SUPPORT. According to Heart, it also helps to have her mom with her on the set of Asero in Dubai, especially during these trying times.

"Kasama ko mommy ko sa aking kuwarto, so araw-araw ay nag-uusap kami, nagre-review kami sa mga bagay sa buhay ko, inaayos namin ang lahat-lahat."

Heart's message to Jericho was piercingly sweet. She said, "Narinig ko nung una na I broke up with you on TV tapos binawi mo. Ngayon naman, ang dami mong sinabi sa TV. All I can say is, stop it. Stop it at sawang-sawa na ako. Tama na, tapos na yun. I will really find it in my heart to eventually to forgive you, but just stop it. Stop saying bad things about me. It's time for you to move on and it's time for me to move on. I hope you find somebody that you would surely love and who'll understand you. I'll just see you around." - Philippine Entertainment Portal
Admin · 291 views · 0 comments
19 May 2008 

8th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Lolit Solis learns another life's lesson as she reaches 61 this May


Elyas Isabelo Salanga

Talent manager and columnist Lolit Solis has always said that if Piolo Pascual and Sam Milby were to file a letter of desistance, she will also take back what she wrote in her October 15, 2007 article in Pilipino Star Ngayon about her "Sofitel eyewitness account."

 

Looking back, Lolit reported that she saw Piolo and Sam whispering to each other at the poolside of Sofitel Hotel on October 12, 2007. In reaction to Lolit's report, Piolo and Sam slapped her with a P12- million libel case.

 

After seven months, Lolit retracted her statements in the article, saying, "There's no factual basis on my article which came out. I am extremely sorry for dragging the names of Sam Milby and Piolo Pascual. I am sorry for the hurt and embarrassment I've caused."

 

Last Wednesday, May 14, the exchange deal between the two parties was finally agreed. Together with Pilipino Star Ngayon entertainment editor Veronica Samio, Lolit signed the short statement of retraction at the special hearing of Branch 55 of the Manila Regional Trial Court, in front of presiding Judge Jose A. Medoza. Sam and Piolo subsequently filed an affidavit of desistance, dropping the libel case on the spot.

 

Piolo said he realized that it was good thing the case didn't end badly. Sam agreed by saying that he did not want to see Lolit in jail and that he was really happy and thankful that all ended well.

 

In a previous PEP (Philippine Entertainment Portal) report, it was said that Seiko films producer Robbie Tan was the key figure in easing the tension between the two camps. Robbie is reportedly close to Joji Alonso, Sam and Piolo's lawyer.

 

But after so many months, how come Lolit retracted her story only now?

 

"Siyempre noong una, ang feeling, di ba, na tama ako, tama ang ginagawa ko? Then, later on, after seven months, na-realize ko na baka nga mali. Yun, kaya ako, apologetic ako, nagso-sorry ako. Nagpapasalamat ako na naging understanding sila [Piolo and Sam]. Ipinakita talaga nila na Christians sila. Siguro, na-realize nila na kawawa naman yung 61 years old, umaakyat sa fourth floor ng walang elevator. Na-realize ko talaga na mababait silang tao."

 

Lolit also told Piolo and Sam, "Thank you talaga. Kung kailangan ninyo ang tulong ko, may maitutulong ako."

 

For all her age and experience, Lolit admitted that she still learned something valuable from this ordeal.

 

"Mabuti na sa part ni Piolo at Sam na pinatagal nila ito kasi na-realize ko talaga yung mistake sa parte ko. At least, nalaman ko talaga na mabubuti silang tao. Kaya maganda din ang nangyari, at least may natutunan din akong leksyon," said Lolit.

 

Later on StarTalk, Lolit celebrated her 61st birthday—her actual birthday is on May 21. The lady who orchestrated the 1994 Manila Filmfest scam has learned another lesson in life with this incident involving Piolo and Sam.

 

She said, "Thankful ako, kasi ilang beses na akong nakagawa ng kasalanan, e. Ilang beses na akong nakagawa ng pagkakamali. Pero every time na nakakagawa ako ng pagkakamali, may mga taong sumusuporta sa akin. May mga taong nasa likod ko, pinapalakas ang loob ko.

 

"Akala ko noon, wala na ako pagkatapos ng scam. And yet, dahil sa suporta ng mga alaga ko, mga tao sa industriya na naging kaibigan ko, nalagpasan ko 'yon. 'Eto rin, napansin ko, nagkaroon ng polarizing. May naniniwala kay Piolo at Sam, may naniniwala sa akin. Pero in the end, ang mahalaga, sabi ko nga, may mga laban na ipaglalaban mo nang patayan. Pero may mga laban na, bakit ko ba ipinaglalaban 'to wala namang kakuwenta-kuwenta?

 

"At 61 years old, sabi nga ni Joey [de Leon], parang hindi na bagay na pumpunta ako sa mga hotel. Nangangako ako, hindi na ako papasok ng hotel!" she ended in jest.


Admin · 88 views · 0 comments
19 May 2008 

7th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

TV Ratings (May 13-15): Kapuso soaps still rule daytime race, "Dyesebel" reigns supreme in primetime

Erwin Santiago

The afternoon soaps of GMA-7 continue to reign in the daytime race with Kaputol ng Isang Awit, Magdusa Ka, and Daisy Siete consistently occupying the top three spots from May 13 to 15.

Although Magdusa Ka slipped to second and third place after its No. 1 debut last Monday, May 12, its rating is still very close to Kaputol ng Isang Awit and Daisy Siete.

The Mexican telenovela El Cuerpo Deseo of ABS-CBN is generating more audience share, placing fifth Tuesday and Thursday before slipping to No. 7 Thursday. Eat Bulaga! remained strong at No. 4 the past three days.

Ogie Alcasid's Da Big Show was able to beat Pilipinas, Game KNB? Tuesday and Wednesday, but Edu Manzano's game show regained the upperhand Thursday.

In the primetime race, Dyesebel has weathered the stormy weather to remain in the No. 1 spot. Also strong in their respective positions in the Top 5 are Joaquin Bordado, Babangon Ako't Dudurugin Kita, 24 Oras, and The Singing Bee.

 

Regine Velasquez's new musical show, Songbird, debuted last night, May 15, with a modest 11.9 percent.

Here are the comparative TV ratings of ABS-CBN and GMA-7 shows from May 9 to 12 based on the overnight ratings conducted by AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

 

May 13 (Tuesday)

 

Non-Primetime:

 

SiS (GMA-7) 10.5%; Boy & Kris (ABS-CBN) 7.9%

Da Big Show (GMA-7) 14.5%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 13.4%

Eat Bulaga! (GMA-7) 20.3%; Wowowee (ABS-CBN) 15.1%

Daisy Siete (GMA-7) 22.1%; Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) 12.2%

Magdusa Ka (GMA-7) 22.3%; El Cuerpo Deseo (ABS-CBN) 15.8%; Kaputol ng Isang Awit (GMA-7) 22.4%

 

Primetime:

 

Gobingo (GMA-7) 13.5%; Wheel of Fortune (ABS-CBN) 20.9%

24 Oras (GMA-7) 28.9%; TV Patrol World (ABS-CBN) 24.5%

Joaquin Bordado (GMA-7) 36%; The Singing Bee (ABS-CBN) 25%

Dyesebel (GMA-7) 41.5%; Lobo (ABS-CBN) 20.7%

Babangon Ako't Dudurugin Kita (GMA-7) 35.2%; Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) 23.2%

The Legend (GMA-7) 18.6%; Maligno (ABS-CBN) 17.6%

Kung Ako Ikaw (GMA-7) 12%; Lovers (ABS-CBN) 14.9%; Bandila (ABS-CBN) 9.7%

 

May 14 (Wednesday)

 

Non-Primetime:

 

SiS (GMA-7) 10.3%; Boy & Kris (ABS-CBN) 8.1%

Da Big Show (GMA-7) 15.4%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 14.6%

Eat Bulaga! (GMA-7) 22.1%; Wowowee (ABS-CBN) 16.7%

Daisy Siete (GMA-7) 25.6%; Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) 13.5%

Magdusa Ka (GMA-7) 24.2%; El Cuerpo Deseo (ABS-CBN) 16.8%; Kaputol ng Isang Awit (GMA-7) 24.8%

 

Primetime:

 

Gobingo (GMA-7) 13.6%; Wheel of Fortune (ABS-CBN) 17.9%

24 Oras (GMA-7) 29.8%; TV Patrol World (ABS-CBN) 24.6%

Joaquin Bordado (GMA-7) 34.5%; The Singing Bee (ABS-CBN) 27.9%

Dyesebel (GMA-7) 38.5%; Lobo (ABS-CBN) 23.9%

Babangon Ako't Dudurugin Kita (GMA-7) 33.7%; Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) 26%

The Legend (GMA-7) 20.1%; Maligno (ABS-CBN) 20.9%

Kung Ako Ikaw (GMA-7) 12.8%; Lovers (ABS-CBN) 15.4%; Bandila (ABS-CBN) 7%

 

May 15 (Thursday)

 

Non-Primetime:

 

SiS (GMA-7) 10.7%; Boy & Kris (ABS-CBN) 8%

Da Big Show (GMA-7) 12.7%; Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) 14.7%

Eat Bulaga! (GMA-7) 21.1%; Wowowee (ABS-CBN) 17.5%

Daisy Siete (GMA-7) 23.6%; Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) 10.9%

Magdusa Ka (GMA-7) 24%; El Cuerpo Deseo (ABS-CBN) 14%; Kaputol ng Isang Awit (GMA-7) 25.1%

 

Primetime:

 

Gobingo (GMA-7) 12%; Wheel of Fortune (ABS-CBN) 18.5%

24 Oras (GMA-7) 27.6%; TV Patrol World (ABS-CBN) 23.7%

Joaquin Bordado (GMA-7) 36.2%; The Singing Bee (ABS-CBN) 27.3%

Dyesebel (GMA-7) 38.7%; Lobo (ABS-CBN) 24.8%

Babangon Ako't Dudurugin Kita (GMA-7) 34.9%; Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) 25.4%

The Legend (GMA-7) 23.8%; Maligno (ABS-CBN) 16.7%

Songbird (GMA-7) 11.9%; Lovers (ABS-CBN) 14.3%; Bandila (ABS-CBN) 9.4%


Admin · 110 views · 0 comments
19 May 2008 

6th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)


SexBomb Girl apologizes to Alyssa Alano over game show prize disagreement

05/18/2008 | 05:01 PM

Humingi na ng dispensa ang SexBomb Girl na si Sunshine Garcia sa mga nakalaban nitong sina Alyssa Alano at John Feir (Belli Flori) sa game show ng GMA-7 na Gobingo dalawang linggo na ang nakararaan.

Kamakailan lamang ay napabalitang may tampuhan sa pagitan nina Sunsine at Alyssa dahil sa pangakong paghahatian na lamang ang premyo kung sinuman ang manalo sa kanilang tatlo. Ngunit hindi ito nangyari dahil ang nanalong si Sunshine ay walang ideya na hindi pala papayag ang kanyang manager na si Joy Cancio kahit na naka-oo na siya kina Sunshine at John.

Napanalunan ni Sunshine ang P164,000 prize money nang mag-head-to-head sila nina Alyssa at John sa Gobingo.

Ayon sa taped interview ni Sunshine sa Showbiz Central kahapon, May 18, "Pagdating ko pa lang ng Gobingo, nag-uusap na pagdating ko ng dressing room, nag-uusap na si Alyssa at saka si Kuya John Feir. Ngayon sabi nila, ‘O, ano, hatian na lang 'to. Parang ganito.' ‘O, sige, kayong bahala,' parang ganun ako, e."

Nang makuha ni Sunshine ang jackpot, nalaman ng dancer na kailangan niya munang ipaalam ito sa Focus Entertainment, ang production company ng talent manager na si Joy.

Pahayag ni Sunshine, "Noong nakuha ko na yung jackpot, pinuntahan na ako ni Alyssa, sabi niya, ‘Kumusta?' Sabi ko, ‘O, kuha yung jackpot.' Pero sabi ko, ‘Kailangan ko muna itong padaanin sa office [Focus Entertainment].' Noong sinabi ko nga dito, ayaw nga po nila pumayag."

"WALANG PROBLEMA." Sa StarTalk noong nakaraang Sabado, May 18, halos mapaiyak si Alyssa dahil sa mga anonymous comment na nakukuha niya na umano'y nagsasabing "mukha pera" siya.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Alyssa sa StarTalk, "Sabihin na po nilang tanga ako, huwag lang mukhang pera. Kasi ano, e, pinaghihirapan ko naman po yung kinikita ko, hindi po ako humihingi sa ibang tao."

Sa hiwalay na taped interview ng Showbiz Central, inihayag din ni Alyssa na walang kaso sa kanya kung hindi siya mabigyan ng parte mula sa napanalunang pera ni Sunshine.

Ayon sa sexy comedienne host, "Yun pong pinapag-usapan namin na hati-hati, um-okay naman siya [Sunshine]. So okay, alam naman namin na hati. E, pero since naman nagkaproblema nga, hindi niya alam na hindi pala puwede kasi, di ba, may manager pa siya?"

Dagdag niya, "Yun, nag-a-apoligize nga siya na hindi niya raw kami mahahatian. Sinabi pa nga niya sa akin na, ‘Pasensiya na.' Hindi daw niya alam na ganun. Sabi ko, ‘Okay lang.' Sabi ko, ‘Walang problema doon.' So, hindi ko po alam kung saan nanggaling yung mukha akong pera, na naghahabol daw ako."

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Alyssa na wala siyang pinatatamaan sa naging pahayag ni Lolit Solis noong Sabado sa StarTalk. Sinabi kasi ni Lolit, "Hati-hati sila, di ba, noong ibang kasali? Sabi ko, ‘Baka hindi tuparin, kailangan pilitin mo.' Sabi niya [Alyssa], ‘Hindi bale, 'Nay, kung ayaw niyang tuparin yung kanyang word of wisdom.'"

Paliwanag ni Alyssa, "Ay, hindi po kasi nagbibiruan kami ni Nanay [Lolit]. Since may nagkuwento kay Nanay [Lolit], yung word of wisdom na yun, ‘Hindi bale, 'Nay, siguro may word of wisdom naman siya, bibigay naman niya yun.' Gumanun ako, pero hindi yun para patamain yung kung sinuman."

"NA-BYPASS AKO." Kasunod nito, nagpaliwanag na rin ang talent manager ni Sunshine na si Joy Cancio, na umaming nasaktan sa agarang pagpayag ng alaga sa paghahati-hati sa magiging prize money nang hindi siya kinukunsulta.

Ipinaliwanag ng talent manager ang kanyang pagtutol sa paghahati-hati ng prize money. Aniya, "Kasi it's a game show, di ba? E, ngayon, sabi ko, ‘Hindi ako papayag.' Kasi,unang-una, ako yung manager, ako yung nakipag-usap sa show, di ba?

"At the same time, as a manager niya [Sunshine], di ba, usually we get 30 percent. Kaso, since honorarium 'yon, hindi na namin kinukunan yun kasi kung matalo, maliit lang naman yun, di ba?

"Pero ang usapan namin ever since, we will get 30 percent from the prize. E, so from then on, kinompyut ko sa kanya [Sunshine], ‘O, kita mo, heto ang matitira sa 'yo. O, magkano na ngayon ang matitira sa 'yo kapag hinati-hati?'"

Hindi rin naitago ni Joy ang pagkadismaya sa naging desisyon ni Sunshine.

"Ang ikinagagalit ko sa kanya is, ‘I'm your manager, bakit binypass mo ako?' Actually, hindi sama ng loob yun, e. Kumbaga, ako yung nakakatanda, e, pinaiintindi ko sa kanya. Pinagalitan ko siya. Kumbaga, deserving naman siya na manalo kasi nga pinahirapan siya, di ba?"

Paglilinaw din ni Joy, "Ayaw ko kasing may nagagalit din sa kanila. Hindi nating masasabing matured enough na sila, e. Nakukulangan sila ng parang advice, guidance. Kaya sabi ko, kailangang mag-isip muna ng ilang beses bago magdesisyon para hindi magkamali."

SUNSHINE APOLOGIZES. Aminado naman ang SexBomb dancer na si Sunshine sa kanyang pagkakamali.

"Alam ko mali ako. Mali ako sa pag-oo kaagad. Mali ako sa bigla kong pagdedesisyon, na hindi ako nagkonsulta, hindi ako nagtanong," sabi niya.

Dahil dito, humingi rin si Sunshine ng paumanhin sa kanyang manager gayundin sa mga nakalaban niya sa Gobingo na sina Alyssa at John.

"Nagkausap na kami ni Ate Joy," sabi ni Sunshine. "'Yon nga yung sinabi niya sa akin na hindi puwede. Kailangan dumaan muna dito. At sinabi ko naman sa kanila, kina Kuya John at Alyssa, na bibigyan ko pa rin naman sila ng balato."

"Gusto kong sabihin kina Kuya John at Alyssa na, ‘Sorry talaga.' Sorry din ako sa Focus na na-by ass ko nga po sila." - Philippine Entertainment Portal
Admin · 93 views · 0 comments
19 May 2008 

5th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Marian, Dingdong looking forward to new movie


Excited na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa unang pelikula na kanilang pagtatambalan kasama si Iza Calzado.

“Sana Matuloy… Ako its one thing I’m looking forward to," pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras.

Hirit naman ni Marian: “Hindi pa kami gumagawa ni Dingdong ng movie…(bale) first time namin ito if even na matuloy."

Nabuo ang love team nina Marian at Dingdong sa super hit na primetime drama series ng GMA 7 na “Marimar." Ngayon, gabi-gabing naman silang inaabangan ng kanilang mga fans sa nangungunang telefantasya sa buong bansa, ang “Dyesebel."

Kaya naman daw doble ang nararamdaman nilang kasiyahan dahil sa mainit na pagsubaybay sa kanila ng mga tao.

“Napatunayan sa amin na yun suporta hindi talaga umalis… yun pagmamahal sa amin nandyan pa rin. And the more na lalo talaga kaming nagaganahan," ayon kay Dingdong

“Yun magkaroon ako ng paa inabangan talaga yun. Masaya ako na pinapasok muli nila si ‘Dyesebel’ sa tahanan nila," pahayag ni Marian.

Ngayon na nagkaroon na ng paa at pumangit si ‘Dyesebel,’ dapat abangan ang muli nilang pagkikita ni “Fredo" na ginampanan ni Dingdong. -GMA NETWORK
Admin · 86 views · 0 comments
19 May 2008 

4th News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Marian Rivera disputes ‘casino queen tag’


Sa kabila ng pamamayagpag sa rating game ng GMA 7 na “Dyesebel," inuulan naman ngayon ng intriga ang pangunahing tauhan ng telefantasya na si Marian Rivera.

Kumakalat ang mga intriga na si Marian na raw ngayon ang bagong “casino queen" at sinabihan daw nito ng “bilasa" si Claudine Barretto na minsan na rin gumanap sa karakter ng isang sirena.

“Nang tanungin ako na nagkaka-casino ka ba?...Sabi ko mamamatay na nga ako sa schedule ko papaano ko naman gagawin yun, saan?," pahayag ng aktres sa exclusive interview ng “Star Talk" nitong Sabado.

“Nung nag-Super Twins ako, nag- “Muli…" ako dalawa yon sabay, sa Ternate, Cavite at Bulacan (magkabilaan yun). Ganun ako… tapos nag-“Marimar" ako alam nyo naman kung gaano ang schedule ko. After that nag-“Dyesebel" ako wala na rin akong time," paglilinaw ni Marian.

“Sabi ko ha? Casino? Sige bayaan mo na lang sila…sa mga nagpupula sa akin. Wala naman akong magagawa dun kung yun ang gusto nilang sabihin sa akin, OK?" paglalahad pa niya.

Ano naman kaya ang masasabi nya tungkol sa mga intriga na sinabihan niyang bilasa si Claudine?

“Wala akong sinasabi kung sino man ang bilasa, sariwa o whatever. Wala talaga," paliwanag ni Marian. “Wala lang… binigyan lang siguro ng malisya e nagtatawanan lang kami non ..napapasama..nabibigyan ng interprestasyon ng iba."

Sinabi ni Marian na walang nagbago sa kanya sa kabila ng tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon lalo pa’t number one na sa buong Pilipinas ang “Dyesebel" sa primetime.

“To be honest, simula nang umpisa ako hanggang ngayon walang nababago sa personalidad ko, sa paniniwala ko, sa attitude ko. Kung paano ako nakilala noon ganon pa rin ako ngayon," pagdiin niya.

“Kahit ako, sa sarili ko, alam ko na wala akong pinipintasan na tao. OK lang na pintasan nila ako… na ako yun pulaan nila- tingnan nila ang mali ko. OK yun. Pero kung ako ang maninira ng ibang tao para ikaangat ko hindi ko gagawin yun," pagtatapos niya. -GMA NETWORK
Admin · 81 views · 0 comments
19 May 2008 

3rd News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

(Update) GMA Films defers announcement of Richard-KC movie team-up




(Updated) May special for-publicist-only announcement na gagawin ang GMA Films bukas, May 20, ng lunch time. This is still part of the series of special announcements concerning the team-up of Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Una nang nag-announce ang Star Cinema more than two weeks ago kung saan pagsasamahin sa isang August-released movie sina Richard, an exclusive talent of GMA Films, at KC, who just signed an exclusive contract with Star Cinema, to be directed by Bb. Joyce Bernal. Hinihintay naman ang pagdating ng GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar from her European trip for the Kapuso's side of announcement.

Ngayon, May 19, ang dating ni Richard from Dubai for the two-week pilot taping of his newest primetime soap Codename: Asero. Ngayon din ang dating ni Ms. Gozon-Abrogar. Si KC naman, bukas ang dating from her Marawi-UNESCO activity.

All is set na for the announcement ngunit nakatanggap kami ng abiso na standby muna until further notice. May kailangan pa palang ayusin sa kontrata ni KC sa kanyang kontrata sa Star Cinema na ikinagulat ng GMA Films kung kaya't dapat muna itong maplantsa kasama ang Star Cinema at ang kampo ni KC.

Kaninang bandang alas-dose ng tanghali ay nakatanggap kami ng text message na hindi na tuloy ang scheduled announcement at contract signing sana bukas. At press time ay kumukuha pa ang PEP ng karagdagang impormasyon sa dahilan ng postponement na ito. - Philippine Entertainment Portal
Admin · 133 views · 0 comments
19 May 2008 

2nd News

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

SexBomb Girl apologizes to Alyssa Alano over game show prize disagreement





Humingi na ng dispensa ang SexBomb Girl na si Sunshine Garcia sa mga nakalaban nitong sina Alyssa Alano at John Feir (Belli Flori) sa game show ng GMA-7 na Gobingo dalawang linggo na ang nakararaan.

Kamakailan lamang ay napabalitang may tampuhan sa pagitan nina Sunsine at Alyssa dahil sa pangakong paghahatian na lamang ang premyo kung sinuman ang manalo sa kanilang tatlo. Ngunit hindi ito nangyari dahil ang nanalong si Sunshine ay walang ideya na hindi pala papayag ang kanyang manager na si Joy Cancio kahit na naka-oo na siya kina Sunshine at John.

Napanalunan ni Sunshine ang P164,000 prize money nang mag-head-to-head sila nina Alyssa at John sa Gobingo.

Ayon sa taped interview ni Sunshine sa Showbiz Central kahapon, May 18, "Pagdating ko pa lang ng Gobingo, nag-uusap na pagdating ko ng dressing room, nag-uusap na si Alyssa at saka si Kuya John Feir. Ngayon sabi nila, ‘O, ano, hatian na lang 'to. Parang ganito.' ‘O, sige, kayong bahala,' parang ganun ako, e."

Nang makuha ni Sunshine ang jackpot, nalaman ng dancer na kailangan niya munang ipaalam ito sa Focus Entertainment, ang production company ng talent manager na si Joy.

Pahayag ni Sunshine, "Noong nakuha ko na yung jackpot, pinuntahan na ako ni Alyssa, sabi niya, ‘Kumusta?' Sabi ko, ‘O, kuha yung jackpot.' Pero sabi ko, ‘Kailangan ko muna itong padaanin sa office [Focus Entertainment].' Noong sinabi ko nga dito, ayaw nga po nila pumayag."

"WALANG PROBLEMA." Sa StarTalk noong nakaraang Sabado, May 18, halos mapaiyak si Alyssa dahil sa mga anonymous comment na nakukuha niya na umano'y nagsasabing "mukha pera" siya.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Alyssa sa StarTalk, "Sabihin na po nilang tanga ako, huwag lang mukhang pera. Kasi ano, e, pinaghihirapan ko naman po yung kinikita ko, hindi po ako humihingi sa ibang tao."

Sa hiwalay na taped interview ng Showbiz Central, inihayag din ni Alyssa na walang kaso sa kanya kung hindi siya mabigyan ng parte mula sa napanalunang pera ni Sunshine.

Ayon sa sexy comedienne host, "Yun pong pinapag-usapan namin na hati-hati, um-okay naman siya [Sunshine]. So okay, alam naman namin na hati. E, pero since naman nagkaproblema nga, hindi niya alam na hindi pala puwede kasi, di ba, may manager pa siya?"

Dagdag niya, "Yun, nag-a-apoligize nga siya na hindi niya raw kami mahahatian. Sinabi pa nga niya sa akin na, ‘Pasensiya na.' Hindi daw niya alam na ganun. Sabi ko, ‘Okay lang.' Sabi ko, ‘Walang problema doon.' So, hindi ko po alam kung saan nanggaling yung mukha akong pera, na naghahabol daw ako."

Bukod dito, ipinaliwanag din ni Alyssa na wala siyang pinatatamaan sa naging pahayag ni Lolit Solis noong Sabado sa StarTalk. Sinabi kasi ni Lolit, "Hati-hati sila, di ba, noong ibang kasali? Sabi ko, ‘Baka hindi tuparin, kailangan pilitin mo.' Sabi niya [Alyssa], ‘Hindi bale, 'Nay, kung ayaw niyang tuparin yung kanyang word of wisdom.'"

Paliwanag ni Alyssa, "Ay, hindi po kasi nagbibiruan kami ni Nanay [Lolit]. Since may nagkuwento kay Nanay [Lolit], yung word of wisdom na yun, ‘Hindi bale, 'Nay, siguro may word of wisdom naman siya, bibigay naman niya yun.' Gumanun ako, pero hindi yun para patamain yung kung sinuman."

"NA-BYPASS AKO." Kasunod nito, nagpaliwanag na rin ang talent manager ni Sunshine na si Joy Cancio, na umaming nasaktan sa agarang pagpayag ng alaga sa paghahati-hati sa magiging prize money nang hindi siya kinukunsulta.

Ipinaliwanag ng talent manager ang kanyang pagtutol sa paghahati-hati ng prize money. Aniya, "Kasi it's a game show, di ba? E, ngayon, sabi ko, ‘Hindi ako papayag.' Kasi,unang-una, ako yung manager, ako yung nakipag-usap sa show, di ba?

"At the same time, as a manager niya [Sunshine], di ba, usually we get 30 percent. Kaso, since honorarium 'yon, hindi na namin kinukunan yun kasi kung matalo, maliit lang naman yun, di ba?

"Pero ang usapan namin ever since, we will get 30 percent from the prize. E, so from then on, kinompyut ko sa kanya [Sunshine], ‘O, kita mo, heto ang matitira sa 'yo. O, magkano na ngayon ang matitira sa 'yo kapag hinati-hati?'"

Hindi rin naitago ni Joy ang pagkadismaya sa naging desisyon ni Sunshine.

"Ang ikinagagalit ko sa kanya is, ‘I'm your manager, bakit binypass mo ako?' Actually, hindi sama ng loob yun, e. Kumbaga, ako yung nakakatanda, e, pinaiintindi ko sa kanya. Pinagalitan ko siya. Kumbaga, deserving naman siya na manalo kasi nga pinahirapan siya, di ba?"

Paglilinaw din ni Joy, "Ayaw ko kasing may nagagalit din sa kanila. Hindi nating masasabing matured enough na sila, e. Nakukulangan sila ng parang advice, guidance. Kaya sabi ko, kailangang mag-isip muna ng ilang beses bago magdesisyon para hindi magkamali."

SUNSHINE APOLOGIZES. Aminado naman ang SexBomb dancer na si Sunshine sa kanyang pagkakamali.

"Alam ko mali ako. Mali ako sa pag-oo kaagad. Mali ako sa bigla kong pagdedesisyon, na hindi ako nagkonsulta, hindi ako nagtanong," sabi niya.

Dahil dito, humingi rin si Sunshine ng paumanhin sa kanyang manager gayundin sa mga nakalaban niya sa Gobingo na sina Alyssa at John.

"Nagkausap na kami ni Ate Joy," sabi ni Sunshine. "'Yon nga yung sinabi niya sa akin na hindi puwede. Kailangan dumaan muna dito. At sinabi ko naman sa kanila, kina Kuya John at Alyssa, na bibigyan ko pa rin naman sila ng balato."

"Gusto kong sabihin kina Kuya John at Alyssa na, ‘Sorry talaga.' Sorry din ako sa Focus na na-by ass ko nga po sila." - Philippine Entertainment Portal
Admin · 71 views · 0 comments
19 May 2008 

First Update

NOTE: If you forgot to watch news in 24 Oras, just PM me, but before you can do that, you must register first. Thank you!
If you have requests, email me at krizzaneri@krisbernal.net Thanks! :)

Marian denies saying ‘Marina’ is bilasa :)



Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Marian Rivera sa latest MTV shoot ng isa sa cuts ng bagong ilalabas na album ni Ogie Alcasid mula sa Universal Records, ang remake ng Pabs Dadivas hit na "Kung Sakali Man," na isang komposisyon ni Vic Sotto.

Ginanap ang shoot sa Infinity Condominium sa The Fort, Makati City, noong May 16. Si Marian ang leading lady ni Ogie sa music video. Isa lamang ito sa selections na ipapaloob sa album ni Ogie na may pamagat na The Great Filipino Songbook, na magtatampok sa unforgettable pop classics na compositions ng mga legendary songwriter, as interpreted by Ogie.

Inusisa agad ng PEP si Marian sa isyung may kinalaman sa diumano'y pambabastos niya sa ABS-CBN through her comment na kesyo "bilasa" na ang telefantasya na Marina ni Claudine Barretto, na may rerun ngayon sa Kapamilya network, dahil parang sumasabay ito sa pagpapalabas ng Dyesebel ng GMA-7 na nagtatampok kay Marian.

"Gusto ko lang klaruhin ang tungkol diyan na wala akong sinasabing bilasa ang Marina," paglilinaw ni Marian. "Ang sinabi ko, sariwang-sariwa si Dyesebel. Kung mayroong mga taong minasama ang comment ko na yun, problema na nila yun.

"Pero walang dahilan para ma-interpret nila sa maling anggulo yung sinabi ko. Excuse me, hindi ko ugaling mambastos. Wala akong binabanggit na pangalan ng ibang show o network, at ang pinakikialaman ko lang naman ay ang sarili naming show," tahasang sabi ng young actress. - Philippine Entertainment Portal

Admin · 72 views · 0 comments

1, 2  Next page